Alamat ng Bato

Nagsimula ang kwento mula sa isang bato.

Isang batong walang patutunguhan

Nakasalalay ang destinasyon sa lahat ng nagdaraan

Hindi alam kung anong kahihinatnan.

 

Napadpad kung saan-saan

Sipa dito, sipa dyan

Bato dito, bato dyan

Ang bato ba ay nasasaktan?

 

Panahon ay nagdaan

Ang bato’y  lumalaban

Patuloy na nakikipagsapalaran

Sa mundong walang katiyakan.

 

-          Tula alay sa mga bato  -

 

 

…….

Eto ang tunay na kwento…

                .. Isang araw may nakapulot sa bato. Sa kung anung dahilan, gustung- gusto nito ang bato. Sobrang nahumaling ang taong ito dito, na araw- araw nyang kinakausap. Hindi sya nagsawa, sari- saring kwento, damdamin at kung anu-ano pa. Para sa kanya, ang mundo ay binubuo lamang ng dalawang bagay, Siya at ang Bato!

                Isang gabi, sobrang nalungkot ng sobra ang tao. Wala syang makausap kundi ang bato. Kaya nagdasal siya.

                “Sana mabuhay ang bato..”

 

…….Sa mundo ng bato…..

 

                Ang hindi alam ng tao, pinakikinggan siya ng bato. Hindi halata pero nakikinig ito. Subalit dahil sya ay bato,  wala siyang pakialam.

                Marahil napagod na sya. At hindi na umaasang may makabuluhan pang mangyayari sa kanya.

                Nang pinulot sya ng tao, akala nya sa umpisa lang sya magugustuhan nito at balang araw ay itatapon din siya, sisipain at isasantabi tulad ng ginagawa ng iba. Ngunit nagkamali sya. Hindi napagod ang tao, sa halip ay sa bawat araw na nagdaraan nadaragdagan pa ang pagkagusto ng tao sa kanya. Kaya natouch sya.

                Aba, tignan mo nga naman may pakiramdam pala ang bato!

                Isang gabi nakita nyang sobrang malungkot ang tao, natakot sya, nalungkot at naawa. Kaya nagdasal sya.

               “Sana mabuhay ako.”

Ching!!!

              At nabuhay ang bato.

                                                    

                                               Ang Alamat ng Buhay na Bato

                                                                 -wakas-

_____________________________________________________________________

   Hindi lahat ng bato ay walang pakiramdam. Kelangan lamang na may isang tao na magparamdam sa kanya ng tunay na pagmamahal at pag-aalaga.Walang hinihinging kapalit na ibalik sa kanya ang lahat ng kanyang binigay.

   Balang araw marerealize ng bato na pwede rin syang mabuhay at magmahal.

    Duh!! kaya nga may buhay na bato eh.